Monday, February 20, 2012

Walang Sugat ni Severino Reyes


Si Severino Reyes ay isinilang sa Santa Cruz, Maynila noong Pebrero 12, 1861. Ikalima siya sa mga anak ng mag-asawang Rufino Reyes at Andrea Rivero.

Nagtapos siya ng Bachelor of Philosophy and Letters sa Unibersidad ng Santo Tomas. Kilala siya bilang Ama ng Sarsuelang Tagalog. Sa kanyang pagsusulat ng mga kuwentong pambata, ginamit niya ang sagisag na Lola Basyang.

Ang kanyang sarsuelang pinamagatang Walang Sugat na nasulat sa unang bahagi ng panahon ng mga Amerikano ang itinuturing na kanyang obra maestro. Ito ay pumapaksa sa kapangyarihan ng pag-ibig sa mga taong tunay na nagmamahalan.

Taong 1902 nang simulan niyang magsulat ng dula nang makita niyang ang Moro-moro at komedyang itinatanghal ay walang buti at kapakinabangang idinudulot sa mga manunuod. Sinikap ni Don Binoy (palayaw kay Severino Reyes) na mapaunlad ang dulang Tagalog. Naging inspirasyon niya ang kanyang pagsisikap na patayin ang Moro-moro ang nakitang pagtanggap ng mga manunuod ng sarsuela sa unang pagtatarighal ng sarsuelang Salamin ng Pag-ibig ni Roman Reyes; Mga Karaniwang Ugali ni Ambrosio de Guzman; Damit ni San Dimas ni Roman Dimayuga; Despues de Dios, El Dinero ni Hermogenes Ilagan. Dahil sa nakita ni Don Binoy na reaksyon ng mga manunuod sa pagtatanghal ng mga dulang nabanggit ay itinatag niya ang Gran Compana de Zarsuela Tagala na siyang inaasahang magtataguyod sa pagtatanghalang mga sarsuela. Pagkatapos nga ng pagtatanghal ng Walang Sugat ay sunud-sunod nang itinanghal ang Bagong Fausto, Ang Kalupi, Ang Tatlong Bituin na sinundan pa ng iba. Naging dramaturgo ng dulang Tagalog si Severino Reyes dahil sa pagbabagong bihis na ginawa niya sa dulang Tagalog. Nakuha niyang palitan ng sarsuela ang Moro-moro na dating kinalokohan ng mga manunuod.

Ang ilan sa mga sarsuelang sinulat ni Severino Reyes ay Walang Sugat, Huling Pati, Minda Mora, Mga Bihag ni Cupido, Mga Pusong Dakila, RIP, Ang Kalupi at iba pa. Ang RIP ay isang sarsuelang sinulat ni Don Binoy upang tuyain ang Moro-moro sa pagkamatay nito.

Si Severino Reyes ay nagsimula ng modernong pagsulat ng dula. Pinaksa ng kanyang mga dula ang suliranin ng mga Pilipino sa pagdating at pananakop ng mga Amerikano. Si Don Binoy ay naging patnugot ng lingguhang magasing Liwayway.



Mga tauhan sa tulang Walang sugat ni Severino Reyes ay sina
TENONG (tenyong ang pagbigkas)
: isang mapagmahal na lalaki na lumaban sa mga prayle
JULIA
: ang iniibig ni tenyong
LUCAS : kanag kamay ni tenyong o matalik na kaibigan
KURA / PRAYLE : mga sakim at mapagmalabis
MARCELO
PUTIN : ina ni tenyong
KAPITAN INGGO : ama ni tenyong
JUANA : ina ni julia
TEBAN
TADEO
MIGUEL
un lamang po .. salamat..
http://www.facebook.com/breenjavegonzalos.alampayan

WALANG SUGAT
(Ni Severino Reyes)
Unang Bahagi

1 Tagpo

(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika)



Koro: Ang karayom kung iduro
Ang daliri'y natitibo,
Kapag namali ng duro
Burda nama'y lumiliko
Julia: Anong dikit, anong inam
Ng panyong binuburdahan,
Tatlong letrang nag-agapay
Na kay Tenyong na pangalan.
Koro: Ang karayom kung itirik
Tumitimo hanggang dibdib
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot,
Kalakip ang puso't loob,
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Si Tenyong ay mabibighani
Sa rikit ng pagkagawa
Mga kulay na sutla,
Asul, puti at pula.
Panyo't dito ka sa dibdib,
Sabihin sa aking ibig
Na ako'y nagpapahatid
Isang matunog na halik.
Koro: Ang karayom kung iduro
Ang daliri'y natitibo.
Hoy tingnan ninyo si Julia
Pati panyo'y sinisinta.
Kapag panyo ng ibig
Tinatapos ng pilit
Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan

Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.

At ang magandang pag-ibig
Kapag namugad sa dibdib
Nalilimutan ang sakit
Tuwa ang gumigiit.
Mga irog natin naman
Sila'y pawang paghandugan
Mga panyong mainam
Iburda ang kanilang pangalan.
Julia: Piyesta niya'y kung sumipot
Panyong ito'y iaabot
Kalakip ang puso't loob
Ng kaniyang tunay na lingkod.
Koro: Nang huwag daw mapulaan
Ng binatang pagbibigyan
Ang panyo pa'y sasamahan
Ng mainam na pagmamahal.
Salitain
Julia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo'y mangagsayaw na.
(Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong).

II TAGPO
(Tenyong at Julia…)
Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…
Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.
Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…
Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.
Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki'y nilalik na
maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.
Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.
Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…
Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.
Tenyong: Masakit sa iyo!
Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong
tubig!
Tenyong: Ay!
Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor).
(Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.


Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na
ako nagagalit…
Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!
Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat
mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.
Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…
Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay Flores.
Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.
Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga?
Julia: Sa Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.
Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N, at F?
Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.
Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol sa
mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.
Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at
magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).
Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay…
sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).
Musika No. 2
Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.
Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.
Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng
nagburdang si Juliang iniirog mo.
Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.
Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.
Tenyong: Pag-iibigan ta'y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin
kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…
Tenyong: Julia ko'y tuparin adhikain natin.
Julia: Tayo'y dumulog sa paa ng altar.
Tenyong: Asahan mo.
Sabay: Di mumunting tuwa dito'y dumadalaw, ano pa't wari di na mamamatay sa piling mo oh!
(Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay…
(Lalabas si Juana).

III TAGPO
(Tenyong, Julia, at Juana mamaya'y Lukas)
Salitain
Juana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong)
(Lalabas si Lukas)
Lukas: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!
Tenyong: Napaano ka, Lukas?
Lukas: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.
Tenyong: Diyata dinakip si Tatang?
Lukas: Opo


Tenyong: Saan kaya dinala?
Lukas: Sa Bulakan daw po dadalhin.
Tenyong: Tiya, ako po'y paparoon muna't susundan si Tatang.
Juana: Hintay ka sandali at kami'y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana,
Julia, at Lukas).
Tenyong: Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay
tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot
mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang
lumilipas.
(Telong Maikli)
Kalye
IV TAGPO
(Musika)
Koro at Lukas
Lukas: Tayo na't ating dalawin mga tagarito sa atin.
Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.
Isang Babae: Naubos na ang lalaki.
Lahat ng Babae: Lahat na'y hinuhuli mga babae kami.
Lukas: Marami pang lalaki.
Lahat ng lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng
bagay…
Lahat ng Babae:(Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae'y pabayaan, di namin
kayo kailangan.
Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.
Isang Lalaki: Kaka ko'y gayundin naman.
Isang Babae: Asawa'y paroroonan.
Isang Babae: Anak ko'y nang matingnan.
Lahat. Tayo na't sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila'y dalhin masarap na
pagkain.
Mga Babae: Tayo na, tayo na.
Lahat: Sumakay na sa tren.
Mga Lalaki: Doon sa estasyon.
Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat)
(Itataas ang telong maikli)

V TAGPO
(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).
SALITAIN
Relihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…
Marcelo: Mason po yata, among



Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka't kung siya sumulat maraming K,
cabayo K.
Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!
Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat
ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.
Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng
rasyon.
Marcelo: Hindi sila makakain eh!
Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano
sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi
ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.
Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing;
isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!
Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan kaban
an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!
Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po'y lima ng
kaban, at makalima po isang araw.
Relihiyoso 2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526 (binibilang sa
daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).
Marcelo: Salamat po, among!
Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?
Marcelo: Wala po sana, datapwa't nang mag-uumaga po ay pito lamang.
Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)
Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.
Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita
si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.
Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa
kapapalo, at ang dalawang braso po'y litaw na ang mga buto, nagitgit sa
pagkakagapos.
Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?
Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.
Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw
papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting
tulugan, ha?
Marcelo: Opo, among.
(Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?
Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.
Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.
Marcelo: Hindi po makalakad, eh!
Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.
Relihiyoso 2.0: Tonto.
Tadeo: Bakit ka mumurahin?
Juana: Kumusta po naman kayo, among?
P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap,
noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami'y alipin
ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman
kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon


napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang
pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
Juana: Totoo po ba ang sabi mo.
P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong
kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.
Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?
P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko.
Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…
Julia: Alin po ang malapit na?
Miguel: Ang…ang…ang…
Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?
Tadeo: Miguel, tayo na't nagkayari na kami ng kaniyang ina.
Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)
Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?
Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?
Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!
Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na "ay"? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?
Miguel: Sinabi ko pong malapit na…
Tadeo: Malapit na ang alin?
Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…
Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na't baka ka pa mahalata…
Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.
(Magsisilabas ang mga dalaw).
VI TAGPO
(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).
Salitain
Relihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko
sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na
ng mabuting tulugan…
Putin: Salamat po, among.
Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming pawalan,
lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.
Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among.
(Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).
Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el tren
la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los
ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.
Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.
Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar.
(Papasok ang mga pare).

VII TAGPO


(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)
Salitain
Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among?
Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag
pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa
ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mga
ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!
(Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).
Putin: Inggo ko!
Tenyong: Tatang!
Julia: Kaawa-awa naman!
Tenyong: Mahabaging Langit!
Musika
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, ama
kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng
prayle isa sa kikitil.
Salitain
Tenyong: Tatang, ikaw po'y ititihaya ko nang hindi mangalay…
Inggo: Huwag na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan… Tayo'y
maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo!
Putin, ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa
kanila… Ang kaluluwa ko'y inihain ko na ka'y Bathala.
Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako'y inyong patawarin…
Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila.
Tenyong: Diyos na may kapangyarihan! Ano't inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito
lamang ang pasok ng kantang "Ang dalawang braso'y…)
Musika No.2
Tenyong: Ang dalawang braso'y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian,
lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang
lahat ng ito'y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa
demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong
ibig, asahan mo po't igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle,
isa sa kikitil.
Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya'y tadtarin man yata lahat
ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.
(Mga Babae at Lalaki)
Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.
Tenyong: Oo't di matingnan puso ko'y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong
hunghang…ang awa'y nilimot sa kalupitan…
Lalaki't Babae: Wari mukha nang bangkay…
Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo't
naghihingalo… Tatang, tatang…
Putin: Inggo ko…Inggo…
Tenyong: Patay na!
(Mangagsisihagulgol ng iyak)
Telong Maikli
VIII TAGPO
(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).
Salitain
Putin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong
katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay,
Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko'y parang pinipitpit sa palihang bakal!
(Si Putin ay mapapahandusay).
Tenyong: Langit na mataas!
(Papasok lahat)
IX TAGPO
(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya'y si Julia).
Salitain
Tenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.
Isa: Ako'y mayroong iniingatan.
Isa pa: Ako ma'y mayroon din.
Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.
Isa: Nalalaman mo bang sila'y mangasisilulan?
Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw
nila sa Heneral na tayo'y pagbabarilin na.
Isa: Mga tampalasan.
Isa pa: Walang patawad!
(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).
Julia: Tenyong, Tenyong!
Tenyong: Julia!
Julia: Diyata't matitiis, na Ina'y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong
sa kaniya'y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay
walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?
Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa't sa sarili mong loob, di ba si Inang ay
kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa
bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?
Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking
kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang
umalis!



Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia,
tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang
anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko'y
tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: "Mga
anak ko," anya, "ngayo'y kapanahunang ako'y ibangon na ninyo sa pagkalugami.
Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang taong
sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagimlagim na kaalipin.
Julia: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin ang
garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) Ang
larawang ito'y aking isasabit sa tapat ng puso'y huwag iwawaglit at sa mga digma,
kung siya'y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko'y
masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo'y aking huhugasan
ng masaganang luhang sa mata'y nunukal.
Tenyong: Sa Diyos nananalig.
Julia: Puso ko'y dinadalaw ng malaking hapis.
Tenyong: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw.
Julia: Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.
Tenyong: Ang ulap Julia ko'y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.
Julia: Tenyong na poon ko'y kahimanawari. Magliwayway uli't dilim ay mapawi.
Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako'y tutupad lang ng aking panata sa
pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko'y aking
itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa
mga sakuna, ikaw'y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako!
Julia: Ako'y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di
ikamatay.
Tenyong: Juliang aking sinta!
Julia: Oh, Tenyong ng buhay!
Tenyong: (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis).
Julia: (Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok)
X TAGPO
(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan sa
loob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)
Sa loob.
Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo't oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko - Perdon!
Walang
utang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama sa
tren).
Telon
Wakas ng Unang Bahagi

Ikalawang Bahagi


I TAGPO
(Bahay ni Julia)
Julia at Juana
Salitain
Juana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila'y
pagpapakitaan ng mainam.
Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!
Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?
Julia: Wala po!
Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa
ang hangarin mo?
Julia: Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang
hinahangad ko po ay…
Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.
Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.
Juana: (Natatawa) Julia, ako'y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga - anong pusupuso ang sinasabi mo? Totoo nga't noong unang dako, kapag may lalaking
mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito sa
isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso sa
panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya'y
nagpapahingala'y na…
Julia: Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!
Juana: Siyang tunay!
Julia: Ako po'y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil
sa tapat na udyok ng aking puso.
Juana: Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba.
Julia: Wala po!
Juana: Kung wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan
mong sarili ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa'y mag-aasawa
ka rin lamang…ay kung mapasa-moro, mapasa-Kristiyano na!
Julia: (Sarili) Moro yata si Tenyong!

II TAGPO
(Julia at Monica)
Salitain
Julia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa.
Monica: (Sa loob) Pooo!
Julia: Halika (Lalabas si Monica)
Pumaroon ka kay Kulas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…
Monica: Opo (Papasok)

III TAGPO 16
(Julia, mamaya'y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)
Musika
Dalit ni Julia
Oh, Tenyong niyaring dibdib,
Diyata' ako'y natiis
Na hindi mo na sinilip
Sa ganitong pagkahapis.
Ay! Magdumali ka't daluhan,
Tubusin sa kapanganiban,
Huwag mo akong bayaang
Mapasa ibang kandungan.
Halika, tenyong, halika,
At baka di na abutin
Si Julia'y humihinga pa…
Papanaw, walang pagsala!
At kung patay na abutin
Itong iyong nalimutan
Ang bangkay ay dalhin na lamang
Sa malapit na libingan.
Huling samo, oh Tenyong,
Kung iyo nang maibaon
Sa malungkot na pantiyon,
Dalawin minsan man isang taon.
Salitain
P. Teban: (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa't napakalumbay lamang…
Julia: (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo'y nangagsirating…kahiyahiya po.
P. Teban: Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?
Julia: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).
P. Teban: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kang
pumili, Miguel.
Tadeo: Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po'y hindi maalam makiusap. (Lalabas
si Juana).
Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among!
P. Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?
Juana: Mabuti po, among.
Tadeo: (Kay Miguel) Lapitan mo.
Miguel: Baka po ako murahin ah! 17
May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.
Payo ni Aling Juana:"Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso" Tutol si
Julia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol sa
anak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas.
Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukas
ang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang si
Kapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunit
nagkaroon ng labanan.
Ikatlong Bahagi
Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilin
lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyong
naman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeo
na ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia.
Kinabukasa'y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakas
upang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walang
nalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal.
Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel ay
buong lakas nitong isigaw ang "Hindi po!". Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sa
sama ng loob ang kanyang ina.
Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan.
Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong.
Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata - na sila ni
Julia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa huling
kahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong.
Napasigaw si Miguel ng "Walang Sugat". Gayundin ang isinigaw ng lahat.
Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat.







--by: FLORA <3






www.google.com/chrome
Ads by Google
I. SUMMARY:

Tulak ng bibig, kabig ng dibdib ang pag-ibig ni Julia kay Tenyong, taal na kulturang Pinay na kung tawagin ay hele hele bago quiere. [1]

Pinapahirapan ng mga Frayle ang mga bilanggong Pilipino, na inakusahang mga filibusterismo o kaya ay myembro ng Mason. Lalo ang ama ni Tenyong na si Kapitan Inggo.

Nilinlang ng mga Frayle ang mga dalaw ng mga bilanggo, sa pagkukunwaring nirerespeto nila ang karapatang pantao. Ngunit kabaliktaran ang nangyayari. Namatay si Kapitan Inggo at di nakayanan ni (Ina) Putin ang nangyari at hinimatay.

Nag-alsa ang mga kalalakihan. Sigaw ng patriotismo. Dahil ang inang bayang ay inaapi na nang tatlong daang taon. Sinugod ng mga Katipunero ang estacion ang Guiguinto.

Ipinagkakayari ni (Ina) Julia ang anak niyang si Julia kay Miguel na anak ni Tadeo.

Inutusan ni Julia si Lucas na ipagsabi kay Tenyong na ipinagkakayari na ng (Ina) Juana niya kay Miguel at naitakda na ang petsa ng kasal.

Hindi lamang taumbayan ang may sentimyento sa mga kolonisador, kundi mga Paring Pilipino tulad ni Pari Teban.

Inestorya ni Lucas kay Tenyong ang dalawang uri ng Pilipinong bumugbog sa kanya: ang taksil ng bayan, ang Makabebe (Macabebe Scouts) at ng mga Katipunero.

Nalungkot si Tenyong nang nalaman ikakasal na si Julia. Kasama ang mga Katipunero, bumaba sila sa bayan. Nagkunwaring sugatan si Tenyong upang makasal kay Julia. Iyon nga ang nangyari, ikinasal sila. Sila rin sa huli. At hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan.


II. REACTION:


1) Ang dulang ito ay isang comediane humaine.[2]

2) Hindi humiwalay sa punto ng romantisismo [3] ang dula dahil nalulugmok sa mga sumusunod: a) pangunguna ng tungkol sa pag-ibig - nina Julia at Tenyong - masasalamin pa nga ang impluwensya ni William Shakespeare[4] dahil mas gusto pang magpakamatay si Julia (Juliet din, di ba?) kaysa mapangasawa si Miguel at ang katagang Oh, abang buhay ano? di ka pa pumulas na tila hango sa O Death, where is thy sting?; b) pagsasalaysay ng walang katiyakang balangkas - dahil ang layunin ng dulang ito ay bigyan kasiyahan ang mga nanunood; c) pagiging sobrang sentimental - nina Julia at Tenyong, ang taumbayan, ang mga bilanggo lalo na ang ama ni Julia; d) puno ng pagpapakasakit at pagmamartir - ng ama ni Tenyong at mga kasama nitong bilanggo, ang ina ni Julia ay martir din, ang mga katipunero; e) pagbabalik sa kaayusan o pagpapanatili ng kaayusan - decorum[5]; f) pagiging didaktiko o mapangaral - pagpapaalala ng mga valyus ng buhay ngunit kadalasan naman ay di nasusunod; g) pagtakas sa katotohanan o "eskapismo" - upang hindi maramdaman ang kirot at hapdi ng mga sugat ng inang Bayan; h) katolisismong bulag o panatisismo - ang irony nang dula dahil hindi lahat ng nagsasabi ng isa at dalawa ay nagbibilang; h) patriotismong hilaw - tayong taumbayan ang makabagong Lucas at nalilito at di malaman kung sino ang ang taksil ng bayan at ang bayani ng bayan dahil ang the Filipino is worth dying for [6] subalit tila mas mahalaga yung limang daan piso kung saan nakasulat ito; at i) kung anu-ano pang katangiang mailusyon lamang - hindi tayo nabubuhay sa ilusyon lamang kundi kanin at ulam.

3) Hindi ako sang-ayon na ang dulang ito ay isang monumentum aere perennius [7] dahil, ang horizons of expectation in literary interpretation ay di naganap sa dulang ito kundi inilarawan lamang (saglit) ang mga sugat ni Inang Bayan at hindi binigyan ng awtor na kaya niyang lunasan ang sakit o kahit mungkahi [8] man lamang nang mga dapat na gawin [9] at hindi naganap ang exitus acta probat. [10]


III. QUESTIONS:

1) Ano ang ibig sabihin ng Walang Sugat?

Ang pangkaraniwan (o, baga, laging) katapusan ng romantisismong Tagalog, "sila rin sa huli." Hindi nasugatan ang kanilang dalisay na pag-iibigan. (Nakakitaan nga lamang ng paglilinlang.)

2) Ano ang nais ipabatid ng kuwento?

Love conquers all? O, makapangyarihang pag-ibig, hahamakin ang lahat, makamtan ka lamang!11

3) Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Tenyong, gagawin mo ba ang kanyang ginawa?

Oo naman.

Bakit?

Dahil may karapatan ng bawat pag-ibig.

4) Ano nga ba ang ginawa ni Tenyong?

Ipinaglaban ang karapatan sa pag-ibig.

Para saan?

Para sa kanilang pag-iibigan ni Julia.

Para kanino?

Kay Julia.


everino Reyes

Mula Wikifilipino




Si Severino Reyes, mas kilala bilang Lola Basyang, ay itinuturing na Ama ng Sarsuwela. Isa siyang mahusay na direktor at manunulat ng dula.


Nilalaman

Pinag-ugatan at Edukasyon

Ipinaganak siya noong 11 Pebrero 1861 sa Santa Cruz, Maynila at supling nina Rufino Reyes, isang iskultor, at ni Andrea Rivera. Siya ay ikinasal kay Maria Paz Puato at biniyayaan ng 17 anak. Sinimulan niya ang kanyang pag-aaral sa Catalino Sanchez, tinapos ang kanyang hayskul at batsilyer sa sining sa Colegio de San Juan de Letran, at kumuha rin ng kurso sa Unibersidad ng Santo Tomas.

Nang itinatag ang Liwayway noong 1923, si Reyes ang naging unang patnugot nito. Siya rin ay nagsilbing pangulo ng Aklatang Bayan at ginawang kasapi ng Ilaw at Panitik, kapwa mga samahan ng mga manunulat.


Karera

Sa edad na 41, si Reyes ay nagsimulang magsulat ng mga dula. Ang R.I.P., noong 1902 ang una niyang dula. Sa parehong taon, isinulat niya ang Walang Sugat (Not Wounded), na masasabing isa sa mga pinakakilala niyang akda. Ang Walang Sugat din ay naging simula ng ginintuang panahon ng sarsuwela sa bansa.

Noong 1902 itinatag niya ang Gran Compañia de la Zarzuela Tagala upang maitanghal ang kanyang mga dula sa mga teatro sa Maynila pati na rin sa mga entablado sa mga kalapit probinsiya.

Ang mga dula ni Reyes ay naisapelikula rin, tulad ng Walang Sugat noong 1939 at 1957; at Minda Mora noong 1929.


Si Lola Basyang

Kinalaunan, si Reyes ay naging kilala sa mga kwentong isinulat niya tungkol kay Lola Basyang. Nagsimula ang Lola Basyang noong siya ay naging punong-patnugot sa Liwayway. Nang sinabihan siya ng kanyang mga patnugot na wala ng natitirang materyales upang punuin ang isang maliit na ispasyo sa isang pahina ng magasin, kinailangan niyang magsulat ng isang kwento upang umabot sa takdang oras. Matapos na maisulat ang kwento, nag-isip siya ng ibang pangalan na maaaring ilagay bilang may-akda ng istoryang ito. Naalala niya ang matandang babae na kapitbahay ng kanyang kaibigan sa Quiapo, Maynila. Ang pangalan ng babae ay Gervacia Guzman de Zamora o mas kilala sa Tandang Basyang. Tuwing alas-4 ng hapon, magsasama-sama ang mga kabataan sa kanilang lugar at makikinig sa mga kwento ni Tandang Basyang. Kaya naman, matapos nito, ang mga kwento na sinusulat ni Reyes ay may pirma na Lola Basyang. Unang nailathala ang kwento ni Lola Basyang sa Liwayway noong 1925.


Mga Akda

Sarsuwela

Siya ay nakapagsulat ng 26 na sarsuwela. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod:

  • Minda Mora (Minda The Moor), 1904
  • Filipinas para los Filipinos (Philippines For The Filipinos), 1905
  • Ang Pagbibili ng Pilipinas sa Hapon, 1906
  • Ang Bagong Fausto, 1907
  • Ang Opera Italiana, 1907
  • Ang Tatlong Babae, 1914
  • Ave Maria, 1919
  • Ang Tatlong Bituin, 1921
  • Ang Bayani ng Puri, 1922
  • Ang Bihag ni Kupido, 1923
  • Ang Puso ng Isang Pilipina, 1923

Drama

22 drama naman ang kanyang mga naisulat. Ito ang ilan sa kanila:

  • Sigalot ng mga Filipino at Americano1898, 1910
  • Ang Sigaw ng Balintawak, 1911
  • Los ramitos de flores (Flowered Boughs), 1908
  • Cablegrama fatal (Cablegram of Death), 1916

Nobela

  • Walang Puno at Walang Dulo, 1910
  • Parusa ng Diyos, 1911
  • Mga Bayani ng Pag-ibig, 1923
  • Ang Puso ng Isang Ina, 1923
  • Lihim na Kaaway
  • Luha, Ngiti, Halakhak

Iba pang mga gawa

  • Ang Plautin ni Periking
  • Maryang Makiling
  • Ang Tatlong Prinsipe
  • Ang Sirena sa Uli-Uli ng Pasig
  • Ang Pag-ibig ni Mariang Sinukuan
  • Ang Orakulo ni Lola Basiang

Sanggunian

  • CCP Encyclopedia of Philippine Art. Vol VII. Philippine Theater. Manila: Cultural Center of the Philippines, 1994.
  • Magical tales for Children. By: Lai Suarez-Reyes (Hinango noong 23 Abril 2008).

Pagkilala




No comments:

Post a Comment