Tuesday, January 24, 2012


Christ the King College

9014 Gingoog City

_______________________________________

Sa Bahagyang katuparan ng mga kinakailangan para sa
Antas ng
Bachelor in Elementary Education

(FILIPINO-4)



Mga Tulang Liriko O Tulang Damdamin








AWITING BAYAN

Bayan Ko

Original Tagalog lyrics by Jose Corazon de Jesus


Melody by Constancio de Guzman.



Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa.

Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas!
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika,
Makita kang sakdal laya!

Pinagkukunan:

http://homeworks-edsci.blogspot.com/2010/09/bayan-ko-halimbawa-ng-awiting-bayan.html

SONETO

May pinahirapang puso ng pag-ibig,
Dahil sa paghanap ng isa pang puso,
Ang pusong nakita’y katulad ng langit,
Magandang-maganda puso ng pagsuyo,
Ang dalawang puso’y masayang nabuhay,
At sa püso’y hindi na raw magtataksil,
Naniwala silang ang pagmamahalan….
Pag likas at wagas ay walang kahambing,
Bubuyog at kamya’y laging nag-uusap,
Laging nagsasalo sa dusa’t ligaya,
Sapagkat ang kamya’y langit ng pagliyang,
Ang bubuyog nama’y puso ng pag-irog,
Ang puso ng tao’y ligayang may dusa,
Di lahat ng puso’y laging maligaya.

Pinagkukunan:

Philippine Panorama, Vol. 10, No. 46, November 29, 198

DALIT

Nag-aral siyang pilit
Nang karangala’y makamit.
Buong buhay s’yang nagtiis.
Makapagtapos ang nais.

Ang pera niya’y tinipid,
Sa guro ay di sumipsip.
Markang mataas, nakamit:
Tagumpay nga ang kapalit.
-Zoren Mercurio

Inday, Pamutos Na
(Go Inday, Pack Your Things)


(Isinalin ni Teresita Maceda)


Inday pamutos na
Sa imong mga bestida
Kinsay imong padad-on
Si Ondo imong pamanhon.

Ondo ayaw’g awaya
Si Inday imong asawa
Imo ganing awayon
Ako man siyang bawion.

Unsaon ninyo pagbawi
Kinasal kami sa Pari
Unsaon ninyo pagboyboy
Inaslan kami ug baboy.

Ay, ay pagkakapoy
Niining mamalanghoy
Puston sa pinong ginit
Lugpitan sa dakong kahoy.

Dayon ayag-ayagon
Dayon puto-putohon
Puston sa dakong dahon
Sa baybay kaon-kaonon.




ELEHIYA

Kay Inay

Kung ang kamataya’y isang panibagong paglalakbay aking Inay

Sa iyong pagtawid ala-ala nami’y baunin

Pagmamahal mo, pagkalinga,

mga pagtitiis at pagdurusa

Ngayo’y nakatakas ka na

Habang nakamasid ka sa ‘ming iyong naiwan

sa mga ibong nakasama mo,

sa mga talangka at sigay na naging laruan mo

sa mga along kahabulan mo

at sa malawak na buhanginang naging palaruan mo

Nawa’y naalala mo ang mga ito sa paglisan mo

Mag-isang ninanamnam ang kalinga ng kalikasan

habang isang ala-ala na lamang ang yakap ng iyong ina

sa oyayi ng hangin, ipinaghele ka,

sapagkat ika’y maagang naulila

Lumaking salat sa pagmamahal sa magulang

Tanging kaibigan naging takbuhan

Inulila pa ng kapatid na turan

animo’y isang sadlak sa dusang nilalang

Pagkat ang isang kaibiga’y lumisan

Tuluyan nang humalik sa lupa

ang sarangolang dinagit ng hangin,

Tanging pumpon ng bulaklak

sa malamig na bato ang tangan mo

Nakaukit na ang pangalan mo

Ang naiwan sa ami’y mga ala-ala mo

Nang isang inang kasabay kong nangarap,

lumipad, kumalinga at sumalo sa aba ko.

Sa bawat ngiti ng mga munting anghel na kinalinga mo

isang munting kaluluwang pinanabikan mo

Konting sulyap lamang sana anak ko

Kahit ako’y malamig ng tila yelo

Ngunit ito’y ipinagkait mo

Ngayon aking ina sa iyong paglalakbay

Baunin mo ang aming pagmamahal

Ihalik sa hangin aming mga pagmamahal

Ibulong sa Diyos na kami’y bantayan

Yakapin ng pagmamahal kahit sa panaginip lang

Nawa sa iyong pagtawid sa kabilang buhay

masilayan mo ang kaginhawahang

di natikman sa palad ko


PASTORAL

O Anong Sarap Mabuhay sa Mundo

Halaw kay Lawrence Ferlinghetti


O anong sarap mabuhay sa mundo
kung di ka pihikan at wala sa bokabularyo
ang matuwa masyado
o magpakasaya nang todo
o kung sadyang wala kang pakialam
paminsan-minsan mang maranasan
ang purgatoryo. Bale-wala,
'ika nga, ang lahat ng ito
di naman bawat saglit
umaawit sila doon sa langit.

O anong sarap mabuhay sa mundo
kung di ka napapangiwi
'pag may taong nasasawi
o minsan, halos masawi lang naman
dahil di magamot
ng laway na nilunok
ang bitukang kumulubot. Basta’t hindi ikaw ito,
walang atraso
wala naman yatang kaso.

O Anong sarap mabuhay sa mundo
kung walang bobong istorbo,
mga kapitbahay o boss sa trabaho
o ilang balang daplis
ng ilang gagong pulis
at ng iba pang sangkaterbang lihis
na talaga namang kainis-inis,
mga produktong inilalako
mga pinunong unano
mga sundalo mga obispo
at samutsaring relihiyon
samutsaring imbestigasyon
sanay na tayo, kunsabagay,
sa ganitong mga bagay-bagay
na nakakaimpatso.

Subalit sa mundo ay wala pa ring tatalo.
Dito lang umuulan ng eksenang di malilimutan:
kakabagin ka sa walang humpay na katatawa
at sa pagtatalik nang walang sawa
at sa kalungkutang di mo maunawa
at sa inspirasyon ng pagkanta nang mahina
at habang namamasyal ka sa kalsada
ang lahat ay nakikita
nasasamyo ang mga sampaguita
nahihipo ang mga estatwa, napapantasya
kahit ang mga di kaano-ano,
kunwa’y nahahagkan sila o kaya’y naaano,
nakapagsusuot ka ng korto
at makukulay na sumbrero,
nakapagpupuyat sa disco,
nakakalangoy sa batis
nakakapagpiknik
sa gitna ng tag-init,
lahat ng ito na pawang nagpupugay
sa iyong buhay. Okay
sa olrayt, Bay,
habang naghihintay
sa gitna ng inyong pagsasaya

ang nakangiting punerarya.

ODA

Manggagawa

ni Jose Corazon de Jesus

(16 pantig bawat taludtod, may caesura sa ikawalong pantig)

Bawat palo ng martilyo / sa bakal mong pinapanday

alipatong nagtilamsik, / alitaptap sa kadimlan;

mga apoy ng pawis mong / sa Bakal ay kumikinang

tandang ikaw ang may gawa / nitong buong Santinakpan

Nang tipakin mo ang bato / ay natayo ang katedral,

nang pukpukin mo ang tanso / ay umugong ang batingaw

nang lutuin mo ang pilak / ang salapi ay lumitaw,

si Puhunan ay gawa mo / kaya ngayo'y nagyayabang.

Kung may ilaw na kumisap / ay ilaw ng iyong tadyang,

kung may gusaling naangat, / tandang ikaw ang pumasan

mula sa duyan ng bata / ay kamay mo ang gumalaw

hanggang hukay ay gawa mo / ang kurus na nakalagay.

Kaya ikaw ay marapat / dakilain at itanghal

pagkat ikaw ang yumari / nitong buong Kabihasnan.

Bawat patak ng pawis mo'y / yumayari ka ng dangal

dinadala mo ang lahi / sa luklukan ng tagumpay.

Mabuhay ka ng buhay na / walang wakas, walang hanggan,

at hihinto ang pag-ikot / nitong mundo pag namatay.

Pinagkukunan:

http://tagaloglang.com/Basic-Tagalog/Mga-Halimbawa/halimbawa-ng-tulang-liriko.html

http://homeworks-edsci.blogspot.com/2010/09/halimbawa-ng-katutubong-awiting-bayan.html

No comments:

Post a Comment